10/27/2025
Minsan may mga plano tayong sobrang pinag-isipan, pinag-effort-an, at ipinagdasal na natin, pero kahit anong gawin natin, hindi pa rin nangyayari.
At aminin natin, nakakapanghina ‘yun.
Kasi sasabihin mo,
“Ginawa ko na lahat ah… bakit hindi pa rin?”
Pero ang tanong,
Na-consult mo na ba si God sa plano mo?
Baka kasi sa sobrang ayos at organize ng plano mo,
nakalimutan mo kung sino talaga ang may final say sa buhay mo.
Sabi sa Kawikaan 16:9 (ASND):
“Ang tao ang nagpaplano, ngunit nasa Panginoon ang kaganapan nito.”
Ibig sabihin, hindi masama ang magplano.
Actually, gusto ni Lord na may direction ka.
Pero ang fulfillment, ang katuparan ng plano, Nasa kamay pa rin Niya.
Kaya mas wise na i-consult muna natin si Lord bago tayo tumakbo sa mga plano natin. Dahil Siya lang ang nakakakita ng buong picture, past, present, future, all at once.
Sabi nga sa Proverbs 3:5-6:
“Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding.
In all your ways acknowledge Him, and He will make your paths straight.”
Kung hindi man natupad ang ating plano ayos lang hindi naman ibig sabihin niyan hindi na mangyayari yan. May mga mas magandang plano lang talaga si God sayo.
“'For I know the plans I have for you,' declares the Lord, 'plans to prosper you and not to harm you, plans to give you a hope and a future. '
Tandaan mo, kahit masira ang plano mo, buo pa rin ang mga plano ng Diyos sa buhay mo.
Sa susunod na magplano ka, mas maganda kung isangguni mo ito sa Diyos. Para malaman natin kung ito ba ay kalooban Niya o pangsariling kagustuhan lang. Dahil siguradong magsasayang ka lang ng panahon kung hindi naman naaayon ito sa kagustuhan ng Diyos.
Sabi sa,
- Psalm 37:5
"Commit everything you do to the LORD. Trust Him, and He will help you."
Rooting for you! Never give up! See you at the Top! 🙏🏽☝️❤
Be inspired awakened & motivated. Follow us for more! 😉
IG: https://www.instagram.com/allenmarvineder
TikTok: https://www.tiktok.com/
Youtube: https://www.youtube.com/