09/14/2025
Umiwas sa mga taong mayabang at takot masapawan.
Sila yung laging gustong sila ang nasa taas, ayaw nilang makita kang umaangat. Kapag naramdaman nilang umaarangkada ka, nagagalit sila at biglang nagiging negatibo. Walang healthy competition kung ang laban ay puro pride at yabang.
Hindi mo kailangang makipagkumpetensya sa ganitong klaseng tao. Mas mabuting makisama sa mga taong sumuporta.
Napakahirap makisama sa ganitong klase ng tao, yung laging may yabang at inggit sa puso. Kahit anong gawin nila, kahit gaano pa sila magsikap na ipakita na mas magaling o mas mataas sila, walang direksyon ang kanilang ginagawa.
Bakit? Kasi ang ugat ng kanilang ginagawa ay galit, inggit, at takot na masapawan. At dahil dito, sila mismo ang nagiging biktima ng sarili nilang emosyon. Hindi sila nagiging masaya.
Sabi nga ni Haring Solomon,
“Then I observed that most people are motivated to success because they envy their neighbors. But this, too, is meaningless—like chasing the wind.” -Ecclesiastes 4:4
Huwag natin gawin kompetensya ang buhay, hindi ito karera o pagalingan dapat unahin lagi natin makipagtulungan para sabay sabay tayong malayo ang pupuntahan.
Ito naman sabi sa,
Mga Taga-Filipos 2:3-4 RTPV05
Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa paghahangad ninyong maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.
Rooting for you! Never give up! See you at the Top! 🙏🏽☝️❤️
Be inspired awakened & motivated. Follow us for more! 😉
IG: https://www.instagram.com/allenmarvineder
TikTok: https://www.tiktok.com/
Youtube: https://www.youtube.com/