20/05/2025
Ang buwan ng Mayo ay ginugunita bilang buwan ng kamalayan sa ibaβt ibang aspeto ng kalusugan at kapakanan ng komunidad. Sa Bwan na ito, dalawang mahahalagang paksa ang tinalakay sa mga isinagawang lektyur: ANG HYPERTENSION AWARENESS MONTH ang SAFE MOTHERHOOD/MOTHER'S CLASS at FAMILY PLANNING
Ang unang nagbahagi ng kanyang kaalaman ay ang ating Municipal Nutrition Officer Sir Eulador Tumamao na nagtalakay ng Safe Motherhood/Mother's class at Family Planning. Lubos na sakop ng lektyur ang mahahalagang yugto ng pagbubuntis, panganganak, at ang panahong pagkatapos manganak, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng mga hakbang sa pag-iwas at agarang pagkilos upang matiyak ang kaligtasan ng ina at ng bata.
Samantala si Gng. Hanilyn May Tumamao, ay nagbigay ng malinaw at detalyadong impormasyon tungkol sa Hypertension. Kanyang tinalakay ang mga sanhi, sintomas, at paraan ng pag-iwas at paggamot sa sakit na ito. Ang kanyang presentasyon ay naging kapaki-pakinabang sa mga dumalo, na nagbigay ng pagkakataon sa kanila na matuto at maunawaan ang kahalagahan ng pagpapanatili ng malusog na presyon ng dugo.
Sa huli nagkaroon ng PhilPEN Screening isang programang pangkalusugan na naglalayong maagang makita at maagapan ang mga sakit na hindi nakakahawa (non-communicable diseases) tulad ng hypertension, diabetes, at iba pang karamdaman na may kinalaman sa pamumuhay. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng risk assessment o pagtatasa ng panganib na magkaroon ng mga sakit na ito.