07/11/2025
Habang tayo ay naghahanda sa epekto ng Severe Tropical Storm (STS) Uwan, ipinapaalala ng Albay Provincial Health Office โ Nutrition Program na ang gatas ng ina ang pinakamainam na pagkain para sa sanggol, lalo na sa panahon ng sakuna.
Bakit mahalaga ang gatas ng ina?
* Nagbibigay ito ng kumpletong nutrisyon na kailangan ng sanggol sa unang 6 na buwan ng buhay.
* Naglalaman ito ng antibodies na nagbibigay proteksiyon laban sa sakit.
* Tumutulong sa malusog na paglaki at pag-unlad ng sanggol.
* Laging ligtas at laging available, kahit may bagyo o kakulangan ng pagkain at tubig.
Tingnan ang infographics sa ibaba bilang gabay sa wastong pagpapakain at pangagalaga ng mga sanggol sa panahon ng sakuna.
Sama-sama nating itaguyod ang kalusugan at nutrisyon ng mga sanggol at ina โ kahit sa gitna ng unos.