29/03/2021
Mga Update tungkol sa Tele-OPD ng Pasig City General Department of Surgery
Ang Tele-OPD ay sinimulan para sa mga pasyente na nais magpakonsulta tungkol sa kanilang kondisyon na nangangailangan ng operasyon tulad ng:
1.) Bukol sa leeg, suso, tiyan, ibang bahagi ng katawan
2.) Luslos
4.) Almoranas
5.) Pananakit ng tiyan dahil sa mga kondisyon na nangagangailangan ng operasyon tulad ng bukol, bato sa apdo etc.
6 ) Fracture/bali sa buto
7.) Problema sa pagihi n nangangailangan ng opera
8.) Problema sa mga bata n nangangailangan ng operasyon
Mga Hakbang sa Teleconsult
1.) Hanapin ang page: Pasig City General Hospital Department of Surgery Tele-OPD
2.) Magpadala ng private message via Facebook Messenger sa page na ito kung nais magpakonsulta.
-- Siguraduhin na sa Pasig City General Hospital Department of Surgery Tele-OPD na page po magpapadala ng mensahe
-- Magpadala ng mensahe gamit ang Facebook Messenger sa Page kasama ang mga sumusunod na detalye
Pangalan
Edad
Dahilan ng konsulta
-- para sa inyong privacy, maari pong huwag sa comment ilagay ang reason for checkup
3.) Kami ay personal na sasagot at magpapadala ng mensahe gamit ang Facebook Messenger App mula 8:00AM hanggang 5:00PM mula Lunes hanggang Biyernes
4.) Depende sa inyong konsulta, maaari kami humingi ng litrato (halimbawa: sugat, bukol n ikinokonsulta), o mag-schedule ng video call
5.) Ang mga reseta, laboratory request ay aming gagawin at ipadala sa Facebook Messenger
6.) Para sa mga problem and kailangan ng personal na konsulta, ibibigay namin sa inyo ang schedule ng konsulta at pagbigay ng reseta at request ng laboratory tests
PAALALA
1.) Para sa ibang mga ikokonsulta tulad ng problemang medikal, Check-up sa mga buntis, problema sa obaryo o matres, problemang medikal sa mga bata, maaari pong tumawag sa hotline ng PCGH (86433333) at magpakonekta sa Outpatient Department para sa pagpapaschedule
2.) dahil sa kasalukyang pandemya at pagtaas ng kaso ng COVID19, maaring magkaroon ng delay/pagbabago ng pagschedule ng personal na konsulta depende sa guidelines na ipapatupad.
3.) Aming gagawin ang aming makakaya upang masagot ang inyong katanungan sa pinakamaagang oras n makakaya ngunit dahil sa ibang mga tungkulin sa hospital na aming ginagampanan ay maaring may kaunting delay sa aming pagsagot sa inyong mensahe
Salamat po